-
1
10
Jul7-10-11 Sunday, 7:31 PM
Linggo,walang pasok.Bukas Lunes na ulet.Feeling depressed pa rin ako.bakit kaya?EMO pa rin drama ko.Ewan ko ba, kaya ayokong na-stuck sa bahay ng matagal eh kase kapag haharap na ako sa reyalidad ng buhay ko,ayaw ko na bumalik.bakit nga ba ganun?Gusto ko lang naman maging masaya.Kaso bakit parang ang hirap maging tunay na masaya?Parang may kulang pa rin.Ako ba may problema?Oo,masaya naman ang buhay.Kuntento naman sana ako.Mahirap na masaya.Andyan ang mapagmahal kong asawa.Kasama ko ang mga anghel ng buhay ko,ang dalawa kong anak.Pero kapag napapaisip ako,mag-isa,nalulungkot ako sa di ko maipaliwanag na dahilan.Kailangan ko na ba magpatingin sa espesyalista?Gusto ko ng makakausap.Yung hindi ko kilala,yung di rin ako kilala.Gusto ko ng taong makikinig at magbibigay ng opinyon sa mga kwento ko ng walang ibang basehan kundi ang mga salita ko lang.Gusto ko ng oras para sa sarili ko.Gusto ko umalis,lumayo,kahit isang araw lang.Hindi ko na kase nagugustuhan ang nagiging takbo ng pag-uugali ko.Ang panget na nga ng ugali ko,lalo pang pumapanget.Parati mainit ang ulo ko,ayaw ko ng magulo.Pakiramdam ko,kahit maayos naman,magulo pa rin lahat sa paningin ko.Ang labo no?Ako rin nalalabuan.Hindi ko na nagugustuhan ang pagkatao ko.Mag-iba kaya ako ng pangalan?O di kaya lumipat kami ng bahay?O pwede rin kayang lumipat ng planeta?Ewan ko.Ang alam ko lang,di ako mapakali.Pakiwari ko parang nauubusan ako ng oras.Para bang kailangang may gawin ako sa nararamdaman ko o baka di ko mamalayan na huli na pala ang lahat.Nahihirapan akong ituro kung ano o sino o alin ang nagbibigay sa akin ng ganitong uri ng pagkabalisa.Kailangan ko na atang umiyak.Matagal na rin nung huling pumatak ang mga luha ko.Ang weirdo ko no?Ganun ata talaga pag tumatanda ka na.Kahit di naman masyado mabigat ang problema parang pinapalaki ko na.Madalas din ako mag-alala.Lahat ata ng bagay inaalala ko na.Masama ba yun?Siguro nga dapat ko na ito iiyak.Kaso pano?Wala naman akong maisip na sapat na dahilan para maiyak ako.Pero yung lungkot na nararamdaman ko eh parang sakit na unti-unting lumalason sa isip at puso ko.Sa pagkatao ko.Mahal ko naman dati ang sarili ko eh.Masayahin naman akong tao.Kaso bakit?Bakit nga kaya?Sa tingin ko,ako lang ata makakasagot ng mga tanong ko eh.Sana lang masagot ko lahat to,bago pa to lumala.Bago pa ako tuluyang maging masama sa sarili ko at sa ibang tao.Ang panget ng blog entry na to.Di ko gusto.Sana sa susunod na pagsulat ko eh masaya naman,yung tipong humahalakhak ako sa tuwa,di lang dahil natutuwa ako,kungdi dahil sa,nasasayahan talaga ako.Sana.Naiinip na ako.Maitulog na nga lang muna to.Baka pag-gising ko,okay na ako.Sana nga.
-
stuckonu posted this
-

